1Z9A5536 copy

SA presscon ng Girlfriend For Hire nina Andre Paras at Yassi Pressman kasama sina Donnalyn Bartolome, Josh Padilla at Clint Bondad, natanong ang magka-loveteam kung pressured ba sila sa launching movie na ipinagkatiwala sa kanila.

Matatandaang naging support sina Andre at Yassi sa mga pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na sikat na sikat na ngayon.

“Sa totoo lang po, sobrang nakaka-pressure lalo na po dito sa industriya,” sagot ni Yassi. “Sa pagiging artista sobrang pressure, lalo na po kapag ganitong nabigyan ng pagkakataon na pagkakatiwalaan ng management, pagkakatiwalaan ng lahat ng taong may experience in the industry, talagang ang laking honor. Pangalawa, alam po namin na maraming expectations ang supporters at readers ng libro. Inaasahan po namin ang suporta nila, happy po kami.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Of course may pressure,” pahayag naman ni Andre, “at the same time, minsan, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin kasi tingin ko sa ginagawa ko, iniisip ko ang saya, so I just wanna have fun with what I’m doing. So fun lang talaga. And so we worked hard for this. It’s not easy to make a film like this, proud ako because I’m not that pressured kasi I’m confident.”

Ang Girlfriend for Hire ay movie adaptation ng hit Wattpad novel na may 68 million reads.

Sa pelikula ay sina Yassi at Andre ang love team, pero sa TV series ay may ibang kapartner ang binata, kaya natanong ang dalaga kung hindi ba ito nakakaapekto sa kanya.

“Hindi naman po. Walang conflict, kasi ‘yung sa amin ni Andre ay sobrang suporta ng fans namin at parati ko pong sinasabi kahit po simula sa Diary (ng Panget) at Wang Fam hanggang dito po, nandidiyan lang po sila lagi.

“’Tapos po ‘yung pagiging blessed na lang ni Andre, mas nakikita ko ‘yung love team nila and it’s a blessing for him kaya sabi ko nga po, guwapo kasi ng ka-loveteam ko kaya i-demand siya. Hindi ko po nakikita na conflict po,” sagot ni Yassi.

Kahit palaging magkasama ay wala pa silang nararamdamang katulad ng ibang magkaka-love team na sikat na ngayon

“Of course, we both know na mag-entertain ng tao, magpakilig, but we’re focusing on our work. Wala pa namang developan, but who knows in the future,“ katwiran ni Andre sabay pilyong sulyap kay Yassi.

Napapansin kay Andre na tila sumusunod siya sa yapak ng tatay niyang si Benjie Paras dahil mahilig siyang magbiro at mangulit, bagay na kinumpirma ni Yassi. Katunayan, kapag silang dalawa lang daw ay mahilig magpa-cute ang binata at nagtatanggal ng shirt para ipakita ang abs.

“Gusto niya pinapansin ko siya, kaya sabi ko, ‘okay na’ at saka niya isusuot ulit ang shirt niya. Totoo po, very guwapo, matangkad pa. Pero work lang po talaga, but we find time to be together,” kuwento ng dalaga.

Malakas ang chemistry nina Yassi at Andre base sa trailer ng Girlfriend for Hire kaya posible ring maabot nila ang narating ng JaDine. Mapapanood na ito simula sa Pebrero 10 nationwide mula sa mula sa direksyon ni Vanessa U. de Leon at joint venture ng Viva Films at SMDC. (Reggee Bonoan)