valeen copy

NGAYONG Linggo, ipakikilala ang hot, young actress at FHM cover girl na si Valeen Montenegro bilang pinakabagong cast member ng Kapuso hit show na Juan Tamad. Gagampanan niya ang role ni Mayumi, ang school mascot na may pagtingin kay Juan.

 

“Life is complicated” ang drama ni Juan na ginagampanan ni Sef Cadayona. Sa kanyang huling semester sa kolehiyo, katatawanan pa rin ang tingin kay Juan ng mga kaklase at kinabibilangang basketball team. Ang nagpapasaya na nga lang sa kanya ay mga pagkakataong nakakasama niya ang kanyang Political Science teacher na si Marie, na ginagampanan ni Max Collins.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

 

Ang hindi alam ni Juan, sinusundan pala ng terror na teacher na si Professor Panindak ang bawat galaw nila ni Marie at kinukunan sila nito ng mga larawan. Magiging sentro ng tsismis sa eskuwelahan ang mga “na-huli-cam” moments ng dalawa. Si Marie, manganganib na matanggal sa pagiging teacher samantalang si Juan naman ay mangangambang mapatalsik sa school.

 

Sa gitna ng kontrobersiya, ang huggable na school mascot na si Mayumi ang masasandalan ni Juan. Lingid sa kaalaman ng marami, ang nasa likod ng mascot na ito ay isang dalagang dadaigin ang kagandahan ng lahat na cheerleaders.

 

Mabaling kaya kay Mayumi ang pagtingin ni Juan kapag nagpakilala ito sa kanya?

 

Abangan ang episode na ito ng Juan Tamad ngayong Linggo, Enero 24, 4:30 PM, sa GMA. (REGGEE BONOAN)