Naghain ang Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwebes ng magkakahiwalay na kasong tax evasion laban sa isang importer ng mga luxury car at limang iba pa sa diumano’y hindi paghahain ng income tax returns at pagbayad ng mga buwis na nagkakahalaga ng mahigit P722 milyon.

Isa sa mga kinasuhan sa Department of Justice si Eddie Metra Estallo ng Barangay Lourdes, Quezon City na nag-angkat ng mga mamahaling sasakyan noong 2013 at 2014 na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon ngunit hindi umano naghain ng anumang income at value-added tax returns.

Batay sa mga record ng Bureau of Customs, sinabi ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na si Estallo, may-ari ng Amest Trading, ay umangkat ng mga high-end na kotse noong 2013 at 2014 na nagkakahalaga ng P115 milyon at P1 bilyon, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang respondent ay sina Edwondo Ong, Elvira Ong at Rosita Lumasag, president, treasurer at officer-in-charge ng Davao Cebusan Enterprises ng Dona Vicenta Village, Davao City; Jacob Policarpio, managing partner ng Blue Rhein Chemical ng Mauway, Mandaluyong City, at Casimero Umacob ng San Juan, Cainta, Rizal. (Jun Ramirez)

Events

SP Chiz sa b-day ng kambal niyang anak: 'Nandito lang kami palagi ni Tita Heart!'