Adele

LOS ANGELES (AP) — Naungusan ni Adele si Psy sa mabilis na pagkalap ng 1 billion views sa YouTube.

Ayon sa streaming service, ang music video ng Hello ay nakakuha ng 1 billion view sa loob lamang ng 87 araw, naungusan nito ang Gangnam Style ni Psy na nakuha naman ito sa loob ng 158 araw.

Ayon sa YouTube, umabot na sa 17 videos ang may 1 billion views.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang iba pang music video na kabilang sa billionaire club ay ang Sugar ng Maroon 5, Lean On ng Major Lazer, Counting Stars ng OneRepublic, Party Rock ng LMFAO, at ang Chandelier ni Sia.

Sampung linggong naging No.1 ang Hello sa Billboard’s Hot 100 chart.