TAIPEI (Reuters) — Libu-libong post na nagmula sa China ang bumabaha sa Facebook page ni Taiwan president-elect Tsai Ing-wen, na humihiling sa kanyang isla na magpasailalim sa Chinese control.

Sa huling silip nitong Huwebes ng umaga, mahigit 40,000 katao ang nagkomento sa Facebook page ni Tsai, at inulit ang tuwina’y pahayag ng Communist Party ng China na malaking kahihiyan ang saktan ang inang bayan.

“We’ve all be taught from small that Taiwanese are compatriots, and Taiwan is the jeweled island,” sulat ng isa.

Ang iba ay tinawag si Tsai na “Taiwan province governor”.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Sinabi ni DPP spokesman Ruan Chao-hsiung na “as long as their comments are not overly extreme, we have full respect for them.”

Nag-post si Tsai kahapon na: “The greatness of this country is that everyone has their own rights”.