MABUTI na lang at mabilis namatay ang sex video scandal ni Joross Gamboa at nakatulong ang desisyon niya at ng kanyang manager na si Noel Ferrer na hindi na magsalita at magpa-interview nang dumating siya at ang asawang si Katz at ang kanilang bagong baby boy na si Jace Skyler mula sa three months vacation sa Canada.

Ang best weapon ni Joross sa controversy ay magagandang proyekto. Kabilang dito ang guesting sa Celebrity Playtime ng ABS-CBN at sumunod ang sa special episode ng Maalaala Mo Kaya kasama sina Polo Ravales at ang dating ka-love team na si Roxanne Guinoo.

Gaganap si Joross sa role ng isang transgender at makakaribal niya si Roxanne kay Polo. Bukas, Sabado na ang airing ng episode na tiyak magugustuhan ng viewers.

Sa February 9 at 16, ipapalabas sa newly renovated UP Film Center ang I Love You. Thank You at makikita sa pelikula kung bakit isa si Joross sa pinakamagaling nating young actor ngayon. (Nitz Miralles)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter