PIOLO AT IÑIGO copy

ANG saya-saya ni Iñigo Pascual dahil first time niyang mag-front act sa katatapos na concert ni Nate Ruess sa Kia Theater nitong nakaraang Martes at talagang sing and dance ang bagitong aktor kasama ang G Force Dancers.

Base sa napanood naming kuha, magaling palang sumayaw ni Iñigo at maganda ang boses. Sorry to say this, Piolo Pascual, mas magaling ang anak mo sa ‘yo pagdating sa pagsayaw at timbre ng boses.

Pagkatapos ng production number ni Iñigo sa Nate Ruess concert ay balik siya sa taping ng And I Love You So kasama si Julia Barretto.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa umeereng kuwento ng And I Love You So, punumpuno ng kalungkutan at pagluluksa ng pamilya Valdez sa pagpanaw ni Alfonso (Tonton Gutierrez).

Nang barilin ni Dexter (Jay Manalo) ay isinugod si Alfonso sa ospital upang maisalba pa ang kanyang buhay. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na niya nakayanan ang pinsalang kanyang natamo.

Kaya matinding pagluluksa ang hinaharap ng kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ng asawa niyang si Michelle (Dimples Romana) at mga anak na sina Trixie (Julia) at Joanna (Miles Ocampo).

Ngayong pumanaw na si Alfonso, gagamitin ni Katrina (Angel Aquino) ang pagkakataon upang bawiin ang yaman ng kanyang dating asawa at pananatilihing sikreto ang katotohanan tungkol sa katauhan ni Trixie.

Kaabang-abang kung ang pagkamatay ni Alfonso na ang magiging hudyat sa tuluyang pagkakawatak-watak ng pamilyang binuo niya. Ano pa kaya ang gagawin ni Katrina upang paghigantihan si Michelle?

Napapanood ang And I Love You So tuwing hapon sa ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)