KINUMPIRMA na ni Zanjoe Marudo ang breakup nila ni Bea Alonzo sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Miyerkules.
Marahang tango at mahinang “oo” ang isinagot ng ramp model turned actor nang tanungin ni Boy Abunda kung totoo nga bang naghiwalay na sila.
Emosyonal at tila maiiyak si Zanjoe nang sagutin ang tanong ni Boy kung paano siya nakaka-cope ngayong tapos na ang relasyon nila.
“Wala namang madaling way so kailangan talagang pagdaanan,” sagot ng binata.
Tumagal ng mahigit limang taon ang relasyon nina Zanjoe at Bea.
Nitong nakaraang Enero 7, sinulat at banner story namin ang kumpirmasyon sa hiwalayan nina Bea at Zanjoe bunsod ng liham na ipinadala sa amin ng isang fan ng aktres na hindi na nagugustuhan ang tension sa away online ng fans nina Bea, Zanjoe, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban na nagsimula sa Instagram post ni Shaina Magdayao.
“It all started when a Zanjoe fan belittles and intimidates John Lloyd Cruz verbally in a post made by Ms. Shaina Magdayao two days ago. It was furtherly triggered after Ms. Monch Novales posted a post holiday dinner with Bea Alonzo, Enchong Dee and Zanjoe Marudo yesterday.”
Para sa lady fan ni Bea, delusional na ang ilang tagahanga at nagaganap ang away dahil may pinagtatakpang katotohanan – na break na nga sina Bea at Zanjoe.
Truth prevails.
So, move on na? Tiyak na hindi pa.
Dahil ang sunod na gustong malaman ng publiko ngayon ay kung bakit naghiwalay ang dalawa. At kung totoo nga bang split na rin sina John Lloyd at Angelica; dahil may “something” na raw si Lloydie kay Bea.
At siyempre, interesting din alamin ang masasabi ni Shaina sa “something” na ito ng kanyang ex-boyfriend sa best friend niya.
There’s no business like show business. (DINDO M. BALARES)