Maituturing nga bang natural born Filipino citizen ang isang foundling sa ilalim ng 1934 Constitution?

Sa katanungang ito umikot ang mainit na oral argument sa pagitan nina Senior Justice Antonio Carpio at Atty. Alex Poblador, abogado ni Sen. Grace Poe.

Tinukoy ni Carpio ang naging palitan ng pananaw sa 1934 Constitutional Convention ng mga delegado na sina “Rafols” at “Roxas”.

Ang 1934 Constitutional Convention ay bahagi argumento ni Poe nang maghain ang kanyang kampo ng petisyon sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc sa pagkansela ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Sa nasabing convention, sinabi ni Rafols na dapat ikonsidera ang mga batang may “unknown parentage” bilang natural born citizen.

Ngunit ayon kay Roxas, hindi na kailangan pang isama ang nasabing probisyon sa Konstitusyon dahil kinikilala naman na ito sa international law.

Gayunman, sinabi ni Carpio na hindi kumpleto ang inilahad na deliberasyon ng kampo ni Poe sa 1934 Constitutional Convention.

Iginiit umano ni Rafols na pagbotohan ang kanyang mungkahi, ngunit hindi nagtagumpay.

Dahil dito, lalabas umano na ibinasura na sa ilalim ng 1934 Constitutional Convention, sa pamamagitan ng majority vote, ang panukala na ang mga batang may unknown parentage ay kikilalaning natural born citizen.

Ngunit dumipensa si Atty. Alex Poblador na kaya hindi pumabor ang mayorya sa amyenda ni Rafols ay dahil sa pananaw nila, partikular ni Roxas, na hindi na iyon kinakailangan pa dahil kung paiiralin ang internatiosnal law, sila ay itinuturing na natural born citizen. (Beth Camia)