KRIS copy

HINDI lang basta endorser ng Kamiseta si Kris Aquino, pinayagan din siya ng owners ng clothing brand apparel na makipag-collaborate sa designers at tatawaging Kris Aquino Capsule Wardrobe ang magiging produkto.

Excited na si Kris sa bagong pagkakaabalahan, kaya sa post pa lang, mararamdaman mong masaya at excited siya.

“Cris Roque, the owner of @kamiseta was so open to my inputs on colors, skirt length, and cuts of blouses that I find flattering & comfortable... Excited for this partnership because we’ll have a collaboration. I’m selecting around 20 of my favorite shirts, blouses, skirts, dresses & bottoms for them to tweak & recreate with good value for money & good quality as our aspirational goal...”

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Nagpasalamat din si Kris sa owners ng Kamiseta dahil sinamahan at tinutukan siya sa pictorial shoot. Hospitable at generous daw ang mga ito sa praise sa kanya.

Maganda ang kinalabasan ng pictorial na ginawa sa Manila Peninsula Hotel at any day now, makikita na natin ang mga nakataas billboards at print ads niya.

Ang ganda ng isang picture ni Kris sa pictorial na may heart ang kanyang t-shirt na tinawag niyang “Kris Valentine/Birthday shirt.”

Magiging available sa February ang nasabing t-shirt. (NITZ MIRALLES)