Dahil sa sunud-sunod na big-time rollback sa presyo ng langis, umapela sa gobyerno ang isang obispo na magtapyas na rin sa singil sa pasahe at kuryente.

Nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bawasan din ang pasahe upang makaluwag-luwag naman ang mga pasahero.

Aniya, napapanahon na rin na ibaba ang singil sa kuryente.

“Maganda ‘yung ganyan, ang problema lang, sana maapektuhan ‘yung tao, lalong-lalo na ‘yung ordinaryong namamasahe sa taxi, sa jeep at sa bus. Baka ang makikinabang lang sa pagbaba ng presyo ng langis ay ang private cars. Sana kung pagbaba talaga, sana tuluy-tuloy na pagbaba niya, sana pati kuryente ay bumaba na rin,” sinabi ni Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Ang rollback ay bunsod pa rin ng pagbagsak ng presyo ng petrolyo sa world market. (Mary Ann Santiago)