Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang mag-ama na wanted sa kasong pagpatay at bigong pagpatay matapos na tagain ng mga ito ang isang mag-tiyuhin sa Tampakan, South Cotabato, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Tampakan Municipal Police ang napatay na si Enrique Eguinto, habang agaw-buhay naman ang tiyuhin nitong si Janny Echavez, 43, kapwa taga-Purok 2, Barangay Pali 19, Tampakan, makaraan silang pagtatagain nina Antonio Seballos, 55; at Jolito Seballos.

Nauna rito, nagtalo si Echavez at ang nakababatang Seballos na nauwi sa suntukan.

Naawat din ang dalawa at ipinagpatuloy nina Echavez at Eguinto ang inuman sa bahay ng isang kaanak at nang pauwi na ay inabangan at pinagtataga sila ng mag-ama. (Fer Taboy)

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril