ANGEL3 copy

“PART of the job po, sir!”

Ito ang tumatawang sagot ni Angel Locsin nang hingan ng komento tungkol sa mga sapok na inabot niya kay Ms. Vilma Santos sa pelikulang Everything About Her.

Ang maganda raw ‘pag nanapok si Ate Vi bilang pagtalima sa hinihingi ng eksena, “Maalaga po siya, si Tita po, sanay na sanay siya.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Ganito po kasi ‘yan, ‘pag bago ‘yung artista, walang kontrol. ‘Pag si Tita, ang galing niya magkontrol. Pero makikita mo pa rin sa mukha niya at sa katawan niya na parang ang sakit-sakit, pero alagang-alaga po ‘yon.

“At magsasabi pa siya every after ng take, ‘O, Gel, are you okay? Pasensiya ka na, ha?’ Everytime po ‘yan.”

Naikuwento rin ni Angel ang insidente na may talent sa eksena na kailangang sampalin ng Star for All Seasons na pagkatapos ay niyakap at hinalikan sa pisngi.

Kaya ang saya raw nu’ng talent at bumalik pa kinabukasan.

Sabi naman ng director nilang si Bb. Joyce Bernal, nakaanim na sampal lahat si Ate Vi.

Inamin ni Gov. Vi na talagang ingat na ingat siya sa ginawa niyang pananampal, pero ilang beses naman daw itong ipinapaulit sa kanya.

“‘Yung totoo, iniingatan ko sila, kasama rin si Xian (Lim). Kina-cut ni Direk. Gusto niya, sapukin mo talaga.

Siyempre, ayoko ring masaktan si Gel, pero ‘pinapaulit ni Direk, eh. Gusto niya, ‘yung may gigil talaga, may sabunot.”

Hindi itinanggi ni Angel na kabadung-kabado siya tuwing makakaeksena niya si Governor Vilma kasi nga premyado at batikan.

“Very blessed po kami na ‘yung lead actress po namin, eh, nakikipagtulungan sa amin. Hindi siya sumasapaw and even sa scenes na nakatalikod siya sa kamera, tumutulo pa rin ‘yung luha niya. Ganu’n po siya magsuporta,” paglalarawan ni Angel sa mommy ng boyfriend niya.

“Kaya po hindi ko masabing tagisan ng akting. At wala po akong binatbat sa akting ni Tita Vilma. Walang-wala po talaga! Ang gusto ko lang po, hindi mapagalitan ni Direk, magawa ko ‘yung instructions at maitawid ko nang maayos ‘yung scene.

“‘Yun lang po ang concern ko because ang priority ko po kasi, kung ano’ng ikagaganda ng pelikula. Ayoko ‘yung ako ‘yung hahatak pababa. Kasi sayang, eh. Ang lalaki ng mga kasama ko at ang laking project. ‘Yun lang po ‘yung gusto kong isipin,” paliwanag ni Angel. (Reggee Bonoan)