Valeen-Montenegro copy

NAKAKALOKA na pati si Julia Clarete na nasa Kuala Lumpur, idinadawit sa hiwalayan ni Ciara Sotto at ng husband nitong si Jojo Oconer. Si Julia raw at hindi ang itinuturong si Valeen Montenegro ang third party sa mag-asawang Oconer.

May ibang naniniwala na si Julia ang sumira sa pamilya nina Ciara at Jojo dahil sa walang paaalam na pagkawala niya sa Eat Bulaga.

Pero malinaw ang binanggit ni Julia sa Instagram na nasa Kuala Lumpur nga siya at nag-sorry dahil hindi siya nakapagpaalam, pero babalik siya this January.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mabuti na lang, nag-tweet si Ciara ng, “My dearest sister @JuliaClarete I miss youuuu! Come and visit soon ok! I love you.” Kaya malinaw na hindi si Julia ang dahilan ng pag-alis ng bahay ni Ciara at pagbalik sa poder ng kanyang parents.

May sitsit na buntis si Julia, at kung totoo man ito, hindi naman siguro si Jojo ang ama. Babalik siya sa bansa sa para sa isang show. Puwede siguro siyang magpa-interview para sabihin kung bakit siya biglang nawala sa Eat Bulaga at kung sa Kuala Lumpur na siya mamamalagi.

Samantalang si Valeen, nanatiling tahimik sa akusasyon sa kanya na siya ang rason sa marital problem nina Ciara at Jojo. Last Sunday, present siya sa Sunday Pinasaya at mukha naman siyang okay.

Ginigiyera na si Valeen ng fans at sympathizers ni Ciara sa Instagram, kung anu-anong kanegahan na ang itinatawag sa kanya. Ang followers ni Valeen ang nagagalit at nagre-react sa mga umaaway dito, pero ang aktres, dedma at tuloy lang ang buhay. (NITZ MIRALLES)