Ni NITZ MIRALLES

'KALOKA talaga ang bashers, lahat na lang ng kilos at post ng mga artista, may comment sila. Gaya na lang ni Xian Lim na ipinost ang picture nila ng kanyang mom at lola sa tabi ng SUV na regalo niya sa dalawa. Sa halip na matuwa ang bashers sa pagiging thoughtful ng aktor sa loved ones niya, binash pa.

Bakit daw kailangan pang i-post ni Xian ang SUV at ibalitang late Christmas gift niya ‘yun sa mom at lola niya. Bakit ngayon lang daw, nakalagay nga sa post na, “Medyo late na dumating. Thank you for all the years of sacrifice and unconditional love. Hindi na si Lola kailangan mag-commute papuntang bingo at hindi na rin mahihirapan si mom sa pagbili ng chicken breast, veggies at suha. Love you!”

Pero mas marami pa rin naman ang natuwa kay Xian at ipinagtanggol siya sa mga basher. Ang ganda ng post ng isang fan niya na higit sa SUV, mas touching ang message ng aktor para sa mommy at lola niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kahapon humarap sa presscon si Xian kasama sina Batangas Gov. Vilma Santos at Angel Locsin para sa Star Cinema movie na Everything About Her. Bale ba, anak ni Vilma ang role niya at love interest ni Angel. ‘Di pa namin naihabol ang interview for today’s issue, pero isusunod na namin agad.

Samantala, nakakaaliw ang eksena ni Angel na nakasabit sa sinasakyang taxi dahil ayaw siyang paalisin sa utos na rin ni Vilma. Si Bb. Joyce Bernal ang director ng Everything About Her.