MAY istorya tungkol sa isang Katoliko na naniniwala na tanging mga Katoliko lamang ang makaaakyat sa langit.

Nang siya’y mamatay, siya ay sinalubong ni St. Peter na siya ring naglibot sa kanya. Panigurado, inakala niya, lahat ng makikita niya sa langit ay Katoliko. Sa kanilang paglilibot, sila ay napunta sa isang mataas na pader. Sinabi ni Peter, habang inilagay ang kanyang daliri sa kanyang labi, na: “Shhhh.. ‘wag kang maingay! Sa kabilang panig ng pader na ito ay mga Protestante.”

Ipinapakita lamang sa maikling istorya na ito na ang lahat ay maaaring maligtas ng Panginoon kung may pananalig sa Kanya.

Hindi pinagbabasehan sa Kaharian ang kulay, lahi, o relihiyon.

Ngayong lingo (Enero 17 hanggang 24) ay “Prayer Week for Christian Unity,” na nakatuon sa pagkakaisa ng mga Kristiyano sa lahat ng oras.

Sa Last Supper, nagdasal ang Panginoon sa Ama at sinabing “all may be one as you are One with me and I with you.”

Sinabi ni Pope John Paul II, na ngayo’y isang santo na, sa kanyang apostolic letter na tinawag na Orientale Lumen (The Light of the East), “The sin of our separation is very serious…How can we be fully credible if we stand divided?”

HOSTILE CHRISTIANS. May dahilan kung bakit may mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Kristiyano. Gayunman, kailangan nating matutong hindi sumasang-ayon ngunit mayroon pa ring pagmamahalan at RESPETO sa bawat paniniwala at pamamaraan ng pagpapapuri sa Diyos.

Narito ang ilan sa mga gabay mula sa Decree on Ecumenism of Vatican II upang magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyano:

• Eliminate words, judgments and actions that do not reflect the truth about separated brethren, like calling them devils;

• Conduct dialogue in all honesty.

• Cooperate with one another in projects for the common good, like working for clean, honest elections, fight against social injustices, graft and corruption, foster solidarity in uplifting the plight of the poor; fight against environmental pollution;

• Pray for Christian unity.

* * *

THE LIGHTER SIDE. May dalawang uri ng tao sa mundo. Ang mga taong gumigising at nagsasabing,”Good morning, Lord,” at ang isa naman ay nagsasabing, “Good Lord, it’s morning.” (Fr. Bel San Luis, SVD)