SAN MARIANO, Isabela – Isang mag-asawa na kapwa principal sa magkaibang pampublikong paaralan ang binaril sa Sitio Kasisiitan sa Barangay Minanga habang pauwi.

Kinilala ni Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano Police, ang mga biktimang sina Jovelito Camba, Sr., 52, principal ng Daragutan East High School sa San Mariano; at Josephine Camba, 54, principal ng Cataguing Elementary School sa San Mariano, kapwa residente ng Bgy. Alibadabad, San Mariano.

Ayon kay Bulan, dakong 9:30 ng gabi nitong Biyernes, pauwi na ang mag-asawa nang sundan sila ng mga suspek na sakay sa motorsiklo at kapwa binaril sa kanang hita sa Sitio Kasisiitan, Bgy. Minanga, San Mariano, Isabela.

Posibleng may kinalaman sa trabaho ang pamamaril, ayon sa pulisya. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog