Enero 17, 1984 nang payagan ng United States (US) Supreme Court ang Sony Corporation na ipagpatuloy ang pagbebenta nito ng “Betamax” home video tape recorder (VTR) units sa nasabing bansa.

Ang boto ay 5-4, at sinulat ni Justice John Paul Stevens ang opinyon ng mayorya.

Nobyembre 1976 nang nagsampa ng kaso ang Universal City Studios, Inc. laban sa Sony sa US Federal District Court sa Los Angeles, ngunit ipinaglaban ng Sony na karapatan ng publiko na mag-record ng mga television show para sa personal na pangangailangan. Nagdesisyon ang korte laban sa Universal at sinabing ang home recording ay patas ang paggamit.

Ang “Betamax” VTR ay binubuo ng tuner, recorder, at adapter. Ang mga “Betamax” tapes ay maaaring ulitin ang paggamit.

TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga