Kyrie Irving, Tim Duncan

Spurs tinalo ang Cleveland para sa 23rd home game winning run.

SAN ANTONIO (AP) — Nagtala si Tony Parker ng 24 na puntos at ginamit ng San Antonio Spurs ang kanilang mainit na panimula sa fourth period upang mapataob ang Cleveland Cavaliers, 99-95, at manatiling walang talo sa kanilang home games ngayong season.

Nagdagdag naman si Kawhi Leonard ng 20 puntos at 10 rebounds para sa San Antonio, na naitala ang kanilang ika-10 sunod na pangkalahatang panalo.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Nagtala si LeBron James ng 22 puntos, habang umiskor si Tristan Thompson ng 18 puntos at 14 rebounds para sa Cleveland na naputol ang nasimulang 8-game winning run.

Dahil sa panalo ay nahatak ng Spurs ang kanilang home winning streak sa 23 games mula sa umpisa ng season.

Sa nakalipas na taon ay nakapagtala na ang San Antonio ng 32 straight home game wins.

Ang huli nilang pagkatalo sa kanilang homecourt ay sa kamay din ng Cavaliers noong Marso 2015 nang magtala si Kyrie Irving ng NBA season-high at kanyang career-high na 57 puntos sa 128-125 overtime na panalo.

Nalimitahan si Irving sa 16 na puntos mula sa 6-for-16 shooting sa kabila ng dikdikang laban gaya ng nauna nilang pagtatagpo noong nakaraang season.

Naitala ng San Antonio ang 85-75 na kalamangan sa final quarter matapos isalansan ang 13-2 run ng mga role players na sina David West, Danny Green at Patty Mills.

Si Parker ang nagtala ng huling 12 puntos ng Spurs sa pagtatapos ng first half na siyang nagpasiklab sa kanilang opensa na nagpahirap naman sa depensa ng Cleveland.

Habang ang 3-point ni Leonard, makalipas ang apat na minuto sa third period, ang nagbigay ng unang kalamangan ng San Antonio sa laro, 57-55, matapos ang panimulang 11-0 run sa pagbubukas ng second half.