TARLAC CITY - Na-trauma sa matinding takot ang magkapatid na paslit matapos silang maghapong hindi pakainin at bugbugin pa ng kanilang ama sa Sitio Mangga 1, Barangay Matatalaib sa Tarlac City.

Sumaklolo sa kalunus-lunos na sinapit ng magkapatid, na edad apat at anim, ang 22-anyos nilang tiyahin, na naabutan umano silang gumagapang sa lupa matapos saktan ng ama.

Ayon sa report, lasing na umuwi si Danny Francisco, 28, na agad na sinalubong ng dalawa niyang anak na kapwa nanghihina dahil maghapong hindi kumain.

Binigyan ng suspek ng kapirasong tinapay ang magkapatid at nang hindi ito kinain ng mga biktima ay nagalit si Francisco at walang awang pinagsisipa sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ang mga bata.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Naaresto ang malupit na ama na nahaharap ngayon sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law). (Leandro Alborote)