GABBY AT KC copy copy

IPINOST ni Gabby Concepcion ang portion ng guesting ng anak na si KC Concepcion sa Tonight With Boy Abunda na, “Papa ko” ang isinagot nito nang tanungin ni Boy kung sino ang, “Person that you miss the most?”

Ang tugon ni Gabby sa sinabi ni KC ay, “I can only love you more each day. I love you @thisiskcconcepcion #love #baby.”

Bakit nga kaya hindi madalas magkita sina Gabby at KC, eh, pareho naman yata silang narito sa Pilipinas ngayon?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi naman siguro sila sobrang busy para hindi naising magkita kahit sandali lang.

Nakausap namin si Gabby sa taping ng Because of You at isa sa napag-usapan ang anak niyang si Garie. Nag-text daw ito sa kanya na nasa “hurting mode” ngayon dahil bagong break sa boyfriend. Naawa siya sa anak, pero ganu’n talaga ang buhay.

Anyway, masaya si Gabby na nakasama siya sa Because of You dahil maganda at magaan ang teleserye, hindi masyadong mabigat sa dibdib at relax lang sila sa taping. Nadatnan nga namin siya sa room niya sa Madison Hotel na nanonood ng TV habang naghihintay ng next scene na kukunan na kasama siya.

“Pasalamat din ako dahil sa karakter kong si Jaime at sa tawag sa aking Boss Yummy, nakilala ako ng teenagers at batang viewers. Kahit saan ako magpunta ngayon, ‘Boss Yummy’ ang tawag sa akin na pinauso ni Carla (Abellana). Pati sa show ko sa Cebu, ganu’n ang tawag sa akin. May tinanong akong mga teenagers kung bakit sila nanood sa akin, hindi naman nila ako kilala. Ang sagot, gusto nilang makita si Boss Yummy. Nakakatuwa lang,” wika ni Gabby.

Seven weeks pa lang umeere ang Because of You, mahaba pa ang tatakbuhin ng story nito. Hindi pa alam ni Gabby kung sa ending ng rom-com series, magkakatuluyan ang mga karakter nila ni Carla na ramdam ang chemistry. (NITZ MIRALLES)