TARLAC CITY – Isang babaeng Grade 6 pupil ang halinhinang ginahasa ng tatlong lalaki sa ilalim ng Tarlac River Dike sa Sitio Paninaan, Barangay Carangian sa Tarlac City.

Sa ulat ni PO2 Sanah Bandales, ang 15-anyos na taga-Bgy. Sapang Maragul ay agad na dinala na dinala sa Tarlac Provincial Hospital para sa kaukulang pagsusuri.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang tatlong suspek na sinasabing nasa edad 16, 18, at 21, at pawang residente ng Sitio Paninaan sa Bgy. Carangian, Tarlac City.

Nauna rito, napag-alaman na kinatagpo ng dalagita ang dalawa sa mga suspek sa loob ng Magic Star Mall at kinumbinse siya ng mga ito na sumama sa Sitio Paninaan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid na pinilit ng mga suspek na painumin ng alak ang dalagita sa ilalim ng Tarlac River Dike, at nang malasing ay halinhinan itong ginahasa ng tatlo. (Leandro Alborote)