kevin belingon photo.. copy

Sa susunod na Sabado, Enero 23, nakatakdang isagawa ang isa na namang world-class MMA event na inihahatid ng ONE Championships sa Changsa,China.

Idaraos sa Changsha Stadium, nakahanay bilang main event ng nasabing mixed martial arts affair ang laban ni ONE Bantamweight World Champion Bibiano “The Flash” Fernandes laban sa challenger na si Kevin “The Silencer” Belingon ng Pilipinas.

“ONE Championship continues its dedication to cultivating the sport of mixed martial arts in China with another adrenaline-filled night of fights,” pahayag ni CEO Victor Cui.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“This is a great way to start 2016 and is just the tip of the iceberg of what’s to come. Our success in Beijing sets the stage for an even better event in Changsha.”

Ang ONE Bantamweight World Champion na si Fernandes ay isa sa itinuturing na “most dominant title holders” sa ONE Championship.

Kinukonsidera bilang isa sa mga “best fighters” sa buong mundo at isa sa mga pinakamahusay na bantamweights, hindi pa natatalo si Fernandes sa nakalipas na limang taon.

Sa pagkakataong ito ay nakatakda niyang idepensa ang hawak niyang titulo sa isa ring malakas na “competitor” sa katauhan ni Belingon.

Buhat sa tanyag na Team Lakay stable ng Baguio City, si Belingon ay isa sa mga “most exciting fighters” sa roster ng ONE Championship.

Taglay nito ang kinatatakutang “striking power” na hated ng kanyang taglay na “high-level Wushu background”.

Inaasahang ibibigay ni Belingon ang kanyang makakayanan upang hindi masayang ang unang pagkakataong ito na ibinigay sa kanya ng ONE para makalaban sa titulo.

Maliban sa nabanggit na main event, isasagawa rin ang ilan pang mga laban ng mga international at local mixed martial artist sa Changsha Bantamweight Tournament para sa layuning makatuklas ng mga susunod na local MMA superstars. (Marivic Awitan)