'Ningning' copy

MULING mangingibabaw ang pag-asa sa buhay ni Ningning (Jana Agoncillo) sa hindi inaasahang pagdating ng cornea donor sa huling linggo ng consistent top-rating weekday program.

Nakatanggap si Teacher Hope (Ria Atayde) ng tawag na mayroon nang natagpuang potential cornea donor at dali-dali niyang sinabi kina Ningning at Dondon (Ketchup Eusebio) na maaaring ito na ang sagot sa kanilang matagal nang kahilingan.

Kahit nalungkot si Ningning sa pagpanaw ni Peter, ang kanyang cornea donor, nagulat siya sa mabuting kalooban ng pumanaw na kaibigan dahil naisipan nitong maging donor niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bumaha rin ng kasiyahan sa pamilya at mga kaibigan ni Ningning nang malaman ang tila milagro sa buhay ng bata.

Hanggang sa pagwawakas, patuloy ang pagpapalaganap ng Ningning ng mensahe sa viewers na dapat ay laging maging positibo at huwag mawalan ng pag-asa sa buhay.

Noong nakaraang Linggo, nagsama-sama ang cast ng Ningning para magbigay saya at magpasalamat sa kanilang mga tagasuporta sa Starmall Alabang. Nanguna sina Jana, John Steven de Guzman (Macmac), Sylvia Sanchez (Mamay), Ketchup Eusebio (Dondon), Nyoy Volante (Johnny), Vandolph Quizon (Otep) at Ria Atayde sa isang “Maningning na Pasasalamat” na nagpakitang gilas sila sa kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw sa naghihiyawang fans.

Hinihikayat ng Ningning cast ang bawat Pilipino na maging instrumento ng pag-asa sa pamamagitan ng pag-pledge na maging cornea donor. Sa mga nais na makatulong sa mga taong may malubhang kondisyon sa mata tulad ni Ningning, maaaring maging cornea donor sa pamamagitan ng Eye Bank Philippines. Para sa karagdagang detalye, pumunta lamang sa www.eyebankphil.org.

Magiging matagumpay kaya ang cornea transplant ni Ningning?

Huwag palampasin ang huling araw ng Ningning ngayong tanghali bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.