Sa isa na namang industry milestone, tumaas ang benta ng domestic motor vehicles noong 2015 ng 22.9% sa 288,609 units kumpara sa 234,747 units na naipagbili noong 2014.

Sinabi ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. at Truck Motors Association na nalagpasan ng kanilang joint 2015 performance ang sales target na 272,000 units.

Sa mga kategorya, ang light commercial vehicle ang nagposte ng pinakamataas na benta noong 2015 sa 112,545 units, sinusundan ng Asian utility vehicle na may 50,977 units, light truck na 5,066 units, category 4 ng light truck at bus na 2,394 units at category 5 ng truck at bus na may 1,246 units. (Bernie Magkilat)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'