Enero 10, 1927 nang unang ipalabas ang “Metropolis” ng direktor na si Fritz Lang sa Berlin, Germany gamit ang 4189-meter film. Matapos mapanood, hinandugan ng mga manonood si Lang at ang German actress na si Brigitte Helm ng bulaklak.

Taong 2000 ang setting, itinampok sa “Metropolis” ang magiging alitan ng mga manggagawa sa pamunuan ng kumpanya ni Joh Fredersen (ginampanan ni Alfred Abel). Sinabihan ni Maria (ginampanan ni Helm) ang kanyang mga katrabaho tungkol sa prediksiyon niyang magkakasundo rin ang magkabilang panig, na nagkakatotoo. Inilagay ng imbentor na si Rotwang ang mukha ni Maria sa kanyang cyborg, sa utos ni Fredersen.

Matapos ipalabas noong 1927, pinutol ng Paramount Pictures ang ‘sang-kapat na bahagi ng orihinal na bersiyon nito bago ipinalabas sa United States. Ang mga tinanggal na parte ng pelikula ay nabawi sa isang maliit na museo sa Argentina noong 2008.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas