Sharlene San Pedro and Marco Masa copy copy

MAGBIBIDA uli ang batang cute at nakilala bilang si Nathaniel na si Marco Masa sa kanyang pagganap bilang si Chokee sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN.

Sa kuwento, pagkaraan ng napakahabang panahon ay makalalabas na sa pagkakakulong si Chokee sa kawayan sa tulong ni Sisay (Sharlene San Pedro).

Pasaway si Chokee kaya siya ikinulong ng mga diwatang ng kawayan at isinumpa na kailangan niyang hintayin ang paglaki ni Sisay para mailigtas siya nito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa una nilang pagkikita ay magugulat si Chokee na naririnig siya ni Sisay at sa kagustuhang mahanap kung saan nanggagaling ang taong nagsasalita, ibabagsak ni Sisay ang upuang kawayang kinalalagyan ni Chokee.

Kaabang-abang ang magiging reaksiyon ng dalawa kapag nakita nila ang isa’t-isa. Matulangan kaya ni Sisay na makabalik si Chokee sa kanilang kaharian?

Kasama rin sa cast ng Wansapantaym Presents: Susi ni Sisay sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Tetchie Agbayani at Matet de Leon, mula sapanulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon at sa direksiyon ni Wenn V. Deramas.

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ngayong Linggo sa ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)