Maine_PLEASE CROP copy

CONGRATULATIONS kay Maine Mendoza! Siya ang bagong Pinay celebrity na napili ng Disney Channel Asia para ilagay sa kanilang 2016 calendar. 

Nangangahulugan ito na ka-level na niya sina Sarah Geronimo at Kim Chiu. 

Last year, sina Sarah at Kim ang nakasama sa 12 Disney icons para sa 2015 calendar ng Disney Asia. Si Sarah ay kinunan bilang si Rapunzel at si Kim naman si Mulan.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Si Maine ang napiling gumanap bilang si Elsa sa Frozen ng Disney calendar ngayong taon.

Earlier this week inilabas ng Disney Channel Asia sa kanilang Facebook account ang announcement na may kasamang short video at behind the scene (BTS) mula sa photo shoot nila kay Maine, na may caption na, “Year 2016 is off to a great start with the very first Disney collaboration with Maine Mendoza. Her Disneyride is looking worthy of a snow queen! Who wouldn’t want to build a snowman with her?”

“The shoot was so much fun because it’s my first time to this and it’s very new to me. I love it,” sabi naman ni Maine. “I love Elsa, so you guys watch out for the calendar.”

May promo ang Disney kung paano mapapanalunan ang exclusive 2016 calendar. Nasa FB page ng Disney Channel Asia kung paano mananalo. 

Nakakatuwa ang AlDub Nation after lumabas ang tungkol sa Disney Channel Asia, sana raw ang kinuha namang prince ay si Alden Richards. (NORA CALDERON)