PORTLAND, Oregon (AP) — Umiskor si Klay Thompson ng 36 puntos, kabilang na rito ang pitong 3-pointers, para pangunahan ang Golden State Warriors sa paggapi sa Portland Trail Blazers 128-108, sa kanilang homecourt para sa kanilang ikalimang dikit na panalo.

Nagdagdag naman ang reigning league MVP na si Stephen Curry ng 26 puntos at 9 na assists sa loob ng tatlong quarters na itinagal nito sa loob ng court para sa Warriors na umangat sa barahang 34-2, panalo-talo.

Nag-ambag si Draymond Green ng 11 puntos, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikawalong triple double ngayong season para sa Warriors na lumamang sa nasabing laban ng hanggang 25 puntos at nakapagtala ng 18 three point shots.

Nagsimula si Curry para sa Warriors sa kabila ng pamamaga ng kanyang kaliwang tuhod na naging dahilan upang hindi siya makalaro sa dalawang laban ng koponan noong nakaraang buwan.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Muling lumala ang nasabing injury nang bumangga siya kay Roy Hibbert sa nakaraang laban nila kontra Los Angeles Lakers kung saan nagwagi sila sa iskor na 109-98.

Nauwi sa wala ang itinalang season high-40 puntos ni Damian Lillard sa pagbagsak ng Portland sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Ang nasabing panalo ang ikalimang sunod ng Warriors mula nang matalo sila sa Dallas, 91-114, noong Disyembre 30.

Kagagaling lamang ng Portland sa 98-109 na kabiguan sa kamay ng Los Angeles Clippers kung saan hindi nakalaro ang starter na si CJ McCollum matapos na makalimutang ilagay ang pangalan sa active roster.

Sinimulan ng Warriors ang laro sa pamamagitan ng 12-2 blast kung saan nagmintis ang Portland ng 9 na baskets sa field.

Itinaas ng fast break dunk ni Green ang kanilang bentahe sa 24-9 habang nakalimang 3-pointers si Thompson na nagposte ng 19 puntos sa opening quarter para bigyan ang Golden State ng 38-21 kalamangan sa pagtatapos ng second quarter.

Nagbanta pang humabol ang Portland nang simulan nito ang third period ng 12-4 run na tumapyas sa kalamangan sa 65-78.

Ngunit hanggang doon lamang ang kanilang ianbot habang muling umalagwa ang Warriors at itinaas ang kalamangan sa 90-67 matapos ang isang 3-pointer ni Brandon Rush na nagtapos na may season-high 20 puntos.