Zanjoe & Bea copy

SIMULA nang ilabas namin ang isyu tungkol sa litratong magkakasama sa post holidays dinner sina Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Enchong Dee at ang Star Magic handler nilang si Monch Novales ay katakut-takot na komento na ang natanggap namin ni Bossing DMB.

Sa katunayan, ang mismong loyalistang fans ng aktres ang nagkuwento sa aming patnugot na hiwalay na talaga sina Bea at Zanjoe.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tulad ng sinulat kahapon ni Bossing DMB, humihingi kami ng panayam kina Bea at Zanjoe pero walang schedule na maibigay ang Star Magic dahil busy raw ang aktor sa taping ng Langis at Tubig kasama si Cristine Reyes.

Samantalang si Bea naman ay nasa Japan para sa TFC shows at segue na rin sa family vacation na hindi nila nagawa noong nakaraang taon.

Nabanggit ng Bea supporters na deactivated na raw ang Instagram account ng handler ng dalawa na si Monch, ang nag-post ng dinner picture.

Tsinek namin at wala na nga. Anyare?

Kuwento sa amin ng ilang supporters, baka raw nabulabog si Monch dahil binash daw talaga nang husto ang pag-post nito ng litratong magkasama sina Bea at Zanjoe.

Sa punto de vista namin, walang masama sa post na iyon dahil ang nakalagay lang naman ay, ‘sobrang na-miss nila ako o na-miss ko sila’.

Wala namang inilagay si Monch na ‘hindi pa hiwalay o break’ na sina Bea at Zanjoe, normal na pictorial lang iyon na ginagawa ng lahat kapag may dinner o magkakasama o reunion.

(Editor’s note: Pero iyon nga kasi ang napagbasehan ng una mong item, Reggee – na kinontra mo ang mga nauna nang isyu na break na sina Bea at Zanjoe.)

But anyway, may nakatsikahan naman kami na may alam sa isyung hiwalayan nina Bea at Zanjoe, na ang sabi raw ng aktor, ay kailangan lang nila ng “space, we’re good, we’re okay, may communication kami.”

May inaayos lang ba silang problema kaya kailangan nila ng space?

Pero base sa kuwento pang nakarating sa amin, “May isang bagay na inayawan ni Bea kay Zanjoe at hindi puwedeng isulat, kung anuman iyon, alam nina Zanjoe at Bea iyon.”

Consistent ito sa sinulat ni Bossing DMB kahapon, base sa information na ibinigay ng sources, na may third party sa side ni Zanjoe. Ikinagulat namin ito dahil ang alam namin ay behave naman ang aktor at wala naman kaming nabalitaang nangaliwa siya maski na noong iba pa ang karelasyon niya.

“Akala mo lang ‘yon, discreet si Z, mahusay magtago, minalas kasi nahuli ni Bea,” diretsong sabi sa amin.

Hala, nangaliwa si Zanjoe, Bossing DMB?

‘Kaloka, ang ganda-ganda ni Bea, ang daming nahuhumaling sa kanya, ang daming nagsasabing ‘napakasuwerte ni Zanjoe at si Bea ang girlfriend niya’, ‘tapos kakaliwain lang?

Aba’y oo nga, kung kami rin ay sasabihin namin, ano ba ang wala kay Bea na nakita ni Zanjoe sa iba? Kumpletos recados na ang aktres, maganda, mabait, mahusay na artista, matalino, sexy, masipag, dedicated at responsable sa pamilya, masinop, kumpleto na lahat, mapapangasawa na nga lang ang kulang.

Sayang nga kung totoong hiwalay na dahil kami na ang magsasabi, malaking kawalan ni Zanjoe si Bea dahil stable na ang aktres, sa totoo lang.

Anyway, gusto pa rin naming makausap ang dalawa para magkalinawan na. Hmmm, in fairness, sumakto ang isyu sa promo ng Tubig at Langis serye nina Zanjoe at Cristine, ha? (REGGEE BONOAN)