ROCO copy copy

NALUNGKOT naman kami nang makita ang pictures ni Rocco Nacino sa Instagram habang nasa International Academy Manila at kumukuha ng short course yatang Aesthetic Nursing. Paghahanda yata ito ng aktor sa bubuksang aesthetic clinic this year.

Sa isang picture, ibinalita ni Rocco na successful ang first time niyang blood extraction.

“First time to extract blood!!! Good day of learning today! I’m determined to complete this course,” sabi ng aktor.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nalungkot kami dahil naalala namin na nabanggit niyang mag-aaral siya tungkol sa aesthetic treatment dahil sa plano niyang pagbubukas ng aesthetic clinic noong maganda pa ang relasyon nila ni Lovi Poe.

Sabi pa nga ni Lovi, sasabay itong mag-aral kay Rocco dahil gusto rin nitong matuto ng aesthetic treatment. Excited din ang aktres sa bagong papasuking business ni Rocco.

Ngayong malabo na yata ang relasyon ng dalawa, magbukas man ang aesthetic clinic ni Rocco, wala nang Lovi na magtsi-cheer sa kanya at magko-congratulate. Gaya sa nangyari sa blessing ng Rufo Steak House sa Timog Avenue na co-owner ang aktor at kapatid nito.

Present that time si Lovi at dumalo siya hindi bilang girlfriend dahil siya ang pumapel na official photographer ng okasyon.

Curious lang kami, nakarating na kaya kay Rocco ang tsikang may bagong nali-link kay Lovi ngayon?

Anyway, kabilang si Rocco sa mga pinarangalan ng Philippine Youth Award of Excellence mula sa 16th edition ng Mister & Miss Philippine Youth 2016.

“I am excited to take this responsibility to inspire and empower our youth in order to broaden their opportunities for success in the future,” pahayag ni Rocco. (Nitz Miralles)