BEA AT JOHN LLOYD (Bea Natics FB account) copy

KINUMPIRMA ng isang tsismosang bubuyog na lilipad-lipad sa ABS-CBN compound ang sinulat namin kahapon na matagal nang hiwalay sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, na nagmula naman sa tip/sulat ng isang masugid na tagahanga ng aktres na idinaan sa private message (PM) sa aming Facebook account.

Hindi sumasagot sa mga tawag ni Reggee Bonoan si Ms. Thess Gubi ng Star Magic at ang handler nina Bea at Zanjoe na si Monch Novales para sa hinihingi naming interview sa kalinawan ng lahat, pero mabuti na lang at may mga nagbibigay ng information sa kondisyon na hindi namin sila papangalanan.

Una kaagad, umagang-umaga, ang panibagong PM ng fan ni Bea na naging source namin:

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Good am, sir. We read the article. From the bottom of our hearts, thank you very much, sir, for helping us stand by the truth. You have once again earned our trust and respect. We would also like to inform you that Ms. Monch Novales deleted her whole Instgram account yesterday night. Again, thank you and we hope the truth will continue to prevail through you. God bless you.”

Pangalawa ang tsismosang bubuyog, na ang bati kaagad nang tumawag sa amin kahapong umaga rin, “Bakit ba ipinagpipilitan pa ng iba d’yan na okay pa sina Bea at Zanjoe, e, nag-break naman na talaga sila!?”

Siyempre, ang agad naming tanong – na tanong din ng lahat -- ano ang dahilan ng hiwalayan.

“Third party, sa side ni Zanjoe,” mabilis na sagot ng source.

Nag-swak ito ng information sa nakuha rin namin sa fan ni Bea na naka-chat uli namin kahapon:

“Sir, ako po mismo hindi ko po alam, pero ‘yung ibang fans who have gone as far as befriending Bea herself and her staff, commented in IG (Instagram) that there’s a third party in Zanjoe’s part since 2014.”

Sa Japan nagkahulihan, dagdag pang kuwento niya sa amin. Actually, very juicy ang kuwento ng bubuyog na bubulung-bulong, pero kakapusin kami sa espasyo. So, saka na lang ang juicy parts.

Si Bea siyempre ang umayaw, dagdag pa ng bubuyog. Pero hindi na ipinag-ingay ang hiwalayan, knowing Bea na hindi naman talaga palengkera.

“We have kept everything silent ‘coz Bea herself kept her silence,” ani fan ng aktres. “’Di naman po kami lulusob at makikipag-away sa IG until that basher initiated the war and commented lasinggero babaero si JL (John Lloyd). That was when we started to fight back and revealed the truth.”

Bakit bigla nang nadadamay sa kuwento si John Lloyd?

Kuwento ng Kapamilya bubuyog: “Parang may na-rekindle kasi nang gawin nina Bea at Lloydie ang Second Chance.”

Na-rekindle? Bakit, naging magkarelasyon ba sila noon?

Kapamilyang Bubuyog: “Wala, si Bea ‘yung parang may konting something noon kay Lloydie, pero dedma naman ang lolo mo. This time, ang lolo mo naman ang parang may something na kay Bea. Ngayon lang siguro niya napansin na pagkaganda-ganda naman talaga ni Bea. Eh, di ba naman?”

Sandali, di ba may Angelica Panganiban factor? Hiwalay na rin ba sina John Lloyd at Angelica?

Sagot ng ka-chat namin: “But, sir, do you believe that JL and Angelica are still together? In JL’s recent interview, he didn’t want to directly answer the question if sila pa ni Angelica. Paliguy-ligoy po siya. We just can’t understand why the people around are preventing the four of them to talk.”

Pero tumulong pa si Angelica sa promo ng Honor Thy Father sa pamamagitan ng posts nito sa social media.

“Actually, Angelica needs to be interviewed too before people point fingers on Bea. ‘Yun isa nga pong Instagram account ng fan ni Angelica, ang account name ay ‘malanding_basha’. (But) I think she is slowly moving on based sa mga nila-like niya sa mga Instagram quotes. I am also following Angelica sa Instagram and I can see what she is liking. Hindi po sila magkasama nu’ng holidays. Also, sa special screening po ng Honor Thy Father at sa ABS Christmas special, cold po si JL kay Angelica sa mga photos and videos.”

Kabaligtaran ito ng kuwento ng source namin sa ABS-CBN na bubulung-bulong:

“Hindi pumapayag si Angelica, kapatid! Si John Lloyd na ang itinuturing niyang magiging tatay ng magiging anak niya.”

Wika nga, the plot thickens. (DINDO M. BALARES)