Nasawi ang isang lalaki na umano’y asset ng pulis matapos saksakin ng isang drug addict na nagalit sa una dahil sa pagbibigay ng impormasyon sa kanilang operasyon sa ilegal na droga sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Malabon si Edito Panoy, 38, mekaniko, residente ng Salay-Salay St., Barangay 12, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Erickson” ng B-38, Lot 2, Phase 2, Lapu-Lapu Extension, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon sa ilang residente, kilalang drug user sa kanilang lugar ang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa report, dakong 2:00 ng hapon, kinukumpuni ng biktima ang sirang truck na nakaparada sa Lapu-Lapu Extension.

Nilapitan siya ng suspek at sinita kung bakit nagbibigay ito ng tip sa mga pulis hanggang sa sila ay magtalo.

Bumunot ng patalim si Erickson at pinagsasaksak si Edito at mabilis na tumakas matapos ang insidente.

(Orly L. Barcala)