IAN AT JODI copy

HINDI lang fans ang nadala sa eksena nang alukin ni Eduardo ng kasal si Amor sa Pangako Sa ‘Yo, dahil maging sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria na gumaganap sa naturang mga karakter ay naramdaman din ang emosyon sa inaabangang marriage proposal.

“Nung shinoot namin ‘yung proposal scene naramdaman ko ‘yung eksena talaga. Siguro kasi alam na namin ang characters namin, ang past nila, ang pinaghuhugutan nila,” sabi ni Ian sa panayam ng TV Patrol. 

“Na-excite ako for Amor and Eduardo kasi ang tagal nilang hinintay ang moment na ‘yun. Ano man ang mangyayari sa wedding, ‘yun ang dapat nilang abangan,” saad naman ni Jodi.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Habang abala na sa kanilang wedding preparations sina Eduardo at Amor, nakikipagbuno naman si Claudia (Angelica Panganiban) sa kanyang alaala ngayong natuklasan na niyang malakas ang nararamdaman niya sa pangalang Amor. Kailan nga ba magkikitang muli ang tatlo? Matutuloy nga kaya ang kasal nina Eduardo at Amor?

 

Samantala, hindi lang sa ratings at pagiging trending sa social media nangunguna ang Pangako Sa ‘Yo, dahil ito rin ang nanguna pagdating sa popularidad sa Google Philippines. Ayon sa naturang search engine, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang naging most searched TV show sa bansa noong 2015.

 

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino gabi-gabi pagkatapos ng Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.