BATANGAS CITY - Pauwi na sana ang isang 23-anyos na lalaking estudyante nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang suspek sa Batangas City.

Ayon sa report ni PO3 Alexander Rosuelo, dakong 9:40 ng gabi nitong Enero 5 at naglalakad si Adrian Camus, residente ng Barangay Alangilan, sa Sitio Santolan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek, gamit ang .45 caliber pistol.

Pinaghananap na ng pulisya ang suspek at inaalam ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog