BIMBY_please crop ang nagluluto sa itaas copy

NAALIW kami sa Instagram post ni Kris Aquino nitong nakaraang Linggo ng hapon mula sa Honolulu, Hawaii na nagluluto ng itlog si Bimby at may caption na, “It’s merienda time for us, a relaxed Sunday -- I cooked pancakes, bacon & eggs for us, pero gutom pa si Bimb. With just a bit of supervision -- he cooked more sunny side up eggs for himself.”

Successful kung ganoon ang isa sa mga intensiyon ni Kris sa pagbabakasyon nila, upang maturuan na maging independent ang mga anak, lalo na si Bimby na inaasahan niyang siyang mag-aasikaso kay Josh pagdating ng araw – lalo na raw kung wala na siya.

May special needs si Josh at alam ni Kris na walang ibang higit na magmamalasakit sa panganay kundi ang bunsong kapatid.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kinagabihan ng Linggo ay sa Morton Steak House nag-dinner ang mag-iina kasama si Yaya Bincai pero nagkaroon ng minor injury si Bimby.

Post ni Kris, “We had a super delicious dinner, but poor Bimb, he took a tumble while we were waiting for our Uber pickup. He was trying to make the railing of the steps in front of the department store I shopped in monkey bars, tumumbling, nauntog -- but first aid was fast, they had ice packs ready for him right away. 

“May bukol pa, but from the experiences of being the mom of 2 boys, okay ‘yung bump at least injury isn’t internal. Still putting an ice pack on his bump while he drinks his milk. I shared our album on my Facebook page, With Love Kris Aquino (personal website). Good Night from our family & God bless you all.”

 Dagdag pang post ni Kris, “This was taken around 2 AM, I kept him (Bimby) awake to make sure he was okay & wouldn’t throw up or feel dizzy. It’s almost noon here, January 5... Happy Tuesday to us & happy Wednesday to all in the Philippines.” 

Mukhang sobrang nahiyang ang mag-iina sa bakasyon grande nila sa Hawaii dahil wala silang ginawa kundi kumain at ang ehersisyo lang ay ang mahabang lakaran na paboritong gawin ni Kris kaya tiyak na medyo nadagdagan ang timbang nila.

 Hindi bale pagdating naman ng Pilipinas ay tiyak na ratsada na naman sa trabaho ang Queen of All Media, back to his daily work outs si Josh at magiging busy na ulit sa eskuwela si Bimby kaya back in shape na ulit sila. 

(REGGEE BONOAN)