Isang 32-anyos na lalaki ang nasawi makaraang barilin ng dati niyang nakaaway at muntik na niyang mapatay sa saksak sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng hapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital si Jojo De Vera, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, at residente ng Unit 519 Building 20, Permanent Housing, Tondo, dahil sa tama ng bala ng .45 caliber pistol sa katawan.

Tinutugis naman ng awtoridad ang tumakas na suspek na si Roy Sanchez, alyas “Totong Dela Cruz,” 60, pintor, ng Unit 515 Building 24, Permanent Housing, Tondo.

Batay sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, dakong 2:00 ng hapon nang mangyari ang krimen sa harap ng Kalayaan Hall ng Barangay 129, Zone 11, District 1 sa Rodriguez Street, sa Balut, Tondo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Pauwi na ang biktima mula sa lamay ng isang kapitbahay nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril nang tatlong beses bago tumakas.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na may tatlong taon na ang nakalipas nang makaaway ng biktima ang suspek na sinaksak nito at halos ikasawi umano ng huli. (Mary Ann Santiago)