Sinabi ng gobyerno ng Pilipinas noong Lunes na tulad ng Vietnam, tinututulan din nito ang kamakaila’y pagsubok ng China sa bagong kumpletong runway sa isa sa pitong isla na itinayo ng Beijing sa pinagtatalunang West Philippine Sea (South China Sea).

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesman Charles Jose na pinag-iisipan ng pamahalaan na iprotesta ang aksyon ng China, gaya ng ginawa ng Vietnam, binigyang diin na ang test sa Fiery Cross Reef ay nagpalala sa “tension and uncertainties in the region.’’

Noong nakaraang linggo, iprinotesta ng Vietnam ang test, sinabing nilabag nito ang soberanya ng Hanoi at hiniling sa China na itigil ang mga ganitong hakbang. Binalewala ng China ang protesta ng Hanoi at posibleng hindi rin nito bibigyang–pansin ang reklamo ng Manila.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying noong Sabado na nagpadala ang China ng isang “civil aircraft” sa isla, na tinatawag nitong Yongshu Jiao, upang alamin kung ang bagong airfield sa aniya ay Chinese territory ay nakasunod sa civil aviation standards. (AP)

National

Hontiveros, inanunsyo na petsa ng pagdinig ng Senado hinggil kay Quiboloy