Umaasa ang independent vice presidential candidate na si Senator Francis “Chiz” Escudero na ilalagay ng Korte Suprema sa dapat kalagyan ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa “bullying” umano ng huli kay Senator Grace Poe-Llamanzares, na diniskuwalipika ng komisyon nitong Disyembre 23.

Ito ang inihayag ni Escudero ilang linggo bago ang itinakda ng Korte Suprema na oral arguments sa Enero 19 tungkol sa mga petisyong isinumite ni Poe kaugnay ng desisyon ng Comelec en banc na tanggalin ang pangalan ng senadora sa listahan ng mga opisyal na kandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.

Sinabi ni Escudero na ang ilan sa mga hakbangin ng Comelec, na nagbunsod sa desisyon nitong diskuwalipikahin si Poe “constitute grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction.”

“If it’s not bullying or harassment, I don’t know what it is,” sabi ni Escudero, tinukoy kung paanong una pang tinalakay ng Comelec ang disqualification case ni Poe kaysa mga nuisance candidate na gaya ng isang “Lucifer” at ng isang “Intergalactic Ambassador.”

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Kinuwestiyon din ng running mate ni Poe ang pagtanggi ng Comelec na pagsama-samahin ang apat na petisyon laban kay Poe, na pare-pareho lang naman maliban sa pangalan ng mga petitioner, kaya naman sumagot ang senadora sa dalawang dibisyon ng Comelec at na-“disqualified, not only once but twice.”

“To top it all, the Comelec full commission threw out her appeal two days before Christmas,” ani Escudero.

“The Comelec worked ‘overtime’ in order for the en banc to disqualify her two days before Christmas and the holidays, thus giving her very little and difficult time to seek redress in the SC,” paliwanag ni Escudero.

Sinabi pa ni Escudero na “[in] issuing two TROs in favor of Poe, SC has once again showed that it is just and impartial.”

Dahil dito, sinabi ni Escudero na kumpiyansa siyang magdedesisyon ang kataas-taasang hukuman pabor sa kanyang running mate, na iginiit niyang kuwalipikado para kumandidato at maihalal bilang susunod na presidente ng bansa.

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Comelec na magkomento sa mga petisyon ni Poe sa loob ng 10 araw at itinakda ang oral arguments sa Enero 19.

Kinukuwestiyon ng mga kritiko ang citizenship at residency requirement ni Poe. (Hannah L. Torregoza)