Ni REGGEE BONOAN

ISA sa kami sa mga natutuwa na aktibo na ulit si Polo Ravales sa showbiz. Magaling naman siyang umarte kaya dapat lang na bumalik siya sa limelight.

Kaya lang, mukhang napabayaan ni Polo ang sarili, ang laki-laki na niya ngayon kaya dapat magbawas siya ng timbang.

Lalo na ngayon, magiging kontrabida si Polo sa Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Hindi porke’t kontrabida ay kailangang mataba siya. In fairness, guwapo si Polo kaya sana ay ibalik niya ang dati niyang katawan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Malapit sa amin at love namin si Polo, Bossing DMB, dahil produkto siya ng ABS-CBN at unang ka-love team ni Kristine Hermosa noong 13 years old pa lamang sila. Matagal na ring hindi napanood sa regular na soap drama ang aktor kaya todo ang pasasalamat niya sa Dreamscape Entertainment na isinali siya sa magandang proyekto na napakataas ng rating.

Gaganap si Polo bilang si Brad na miyembro ng isang sindikato na makakalaban ng grupo ni Cardo (Coco).

Sa kanyang Facebook, nag-post si Polo ng litrato kasama ang Teleserye King na may caption na: “It was nice to see u again. Di ka nagbago. U deserve everything.”

Bukod dito, ipinost din ni Polo ang mga litratong kuha sa first taping day niya sa serye kasama ang iba pang cast members ng Ang Probinsyano, tulad nina Bela Padilla, Ana Roces, Hanna Ledesma at Dennis Padilla.