Isasagawa ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) ang internasyonal na torneo na Asian Youth Athletics Championships sa taong 2017.

Inihayag ito ni PATAFA president Philip Ella Juico matapos ang pakikipagpulong nito sa kinaaaniban na International Athletics Association Federation (IAAF) habang isiniwalat din nito ang ilang 2016 Rio Olympics qualifying event na sasalihan nang mga miyembro ng pambansang koponan.

“We are committed to host the Asian Youth Athletics Championships in 2017,” sabi ni Juico. “Actually, that was supposed to be this year, 2016, but we told them that it will be an election year in our country and we don’t know what will happen and if the next president will be supportive of the sports event,” sabi pa nito.

Agad na sasabak ang mga miyembro ng pambansang koponan na naghahangad makakuwalipika sa 2016 Rio De Janeiro Olympics sa isasagawang Asian Indoor Championships na gagawin sa Qatar sa Pebrero at sa Rio-qualifying na 13th Asian Cross Country Championships sa Manama, Bahrain.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Magsasagupa sa Asian Youth Athletics Championships ang mga kabataang atleta na naghahangad naman na makapagkuwalipika sa Asian Youth Games at sa tampok na Youth Olympic Games.

Inaasahan naman ni Juico na makakasali sa torneo ang nakababatang kapatidni EJ Obiena na siyang may hawak ng girls junior record na si Emilyn. Una nang itinala ni EJ Obiena ang bagong national record na 5.45m sa ginaganap na weekly relay at kasalukuyan itong nasa bansang Polan para sa dalawang buwang pagsasanay. (Angie Oredo)