Ang taong 2015 ay naging matagumpay na season para sa Philippine volleyball kasabay ng pagsikat ng ilang magagaling na manlalaro na mula sa iba’t-ibang koponan at liga.
Ang mga sumusunod ay ang mga aabangan ng mga tagahanga sa volleyball games.
NCAA
Mayroon pang pitong koponan ang kasalukuyang naghahangad na masungkit ang women’s Final Four upang makapuwesto sa huling hatak ng eliminasyon na muling magbubukas sa Enero 4.
Ang San Sebastian ang siyang namumuno sa perpektong 6-0 rekord na sinundan ng defending champion Arellano University (6-1) kung saan ang kapwa koponan ay isang panalo na lang ang kinakailangan upang pormal na makapuwesto sa semifinals.
Ang dalawang nasabing koponan ay magiging armado para sa twice-to-beat advantage makaraan ang eliminasyon.
Ang College of St. Benilde, Lyceum of the Philippines University, Perpetual Help, Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College ay mga contender din para puwesto sa susunod na round kung kaya’t ang pagbubukas ng linggo ng 2016 ay isang “make or break” para sa mga nabanggit na squad.
Madala kaya ni reigning Most Valuable Player at kasalukuyang lider na si Grethcel Soltones ng SSC-R ang kanyang squad pabalik sa championship round makaraan ang kabiguan noong nakalipas na taon?
At maidepensa naman kaya ng Arellano U ang kanilang korona?
Sa men’s action naman, ang kasalukuyang kampeon na Emilio Aguinaldo College (EAC) at ang hindi pa natatalong Perpetual Help ay kapwa isang hakbang na lamang para masungkit ang puwesto sa semis.
Hindi naman nalalayo ang Season 90 runner-up na College of St. Benilde (CSB) na humahangos para sa top two spot na nagdagdag sigla para sa agawan ng tatlong malalakas na koponan.
Ang mga rumaragasa pang koponan ay ang San Beda College (SBC), LPU at Arellano na pare-pareho namang pumupuntirya para sa puwesto sa mga susunod na paghaharap.
Maging si Season 90 winner Howard Mojica ay marami ang nangungulimihanan kung makukuha nito ang back-to-back MVP recognition at ang ikalawang diretsong korona para sa mga Generals.
UAAP
Kung ang taong 2015 ay inari ng Ateneo de Manila, ang 78th UAAP volleyball edition ay inaasahang magiging bakbakan para sa tatlo pang malalakas na koponan.
Ang two-time MVP Alyssa Valdez, Jia Morado at Amy Ahomiro ay babalik ng Ateneo ngunit sa pagkakataong ito ay susubukan nilang tumbukin ang three-peat kahit wala na ang apat nilang mahuhusay na kagrupo.
BEACH VOLLEYBALL
Malapit na naman ang summer at isa lang ang naiiisip ng mga tao tuwing summer: Ang beach volleyball season.
Nagho-host sa commercial tournament ang iba’t-ibang kumpanta at inaasahan ang local beach volleyball hotspots partikular na sa Boracay.
PHILIPPINE SUPERLIGA
Ang premier club league ng bansa ay determinado na maging matagumpay ang 2016 katulad ng nakalipas na 2015.
Ang kumpetisyon ay magsisimula sa Pebrero 12 sa pagsisimula ng PSL Invitational kung saan ang isang club mula sa Japan ay makikipag-ugnayan sa local troops.
Dedepensahan ng Petron sa all-Filipino Conference ang korona na magsisimula sa Hunyo 11 samantalang ang Foton ay uulitin ang kanilang liderato sa Grand Prix na magbubukas sa Oktubre 8.
V-LEAGUE
Dedepensahan ng PLDT Home Ultera ang kanilang titulo sa Shakey’s V-League Open and Reinforced Conference titles.
Masusubukan muli ang galing ni Alyssa Valdez sa paglalaro nito sa koponan ng Ultra Fast Hitters.
ASIAN WOMEN’S CLUB CHAMPIONSHIP
Makaraan ang isang dekada, maghohost ang Pilipinas ng Asian Women’s Club Championship mula Setyembre 3-11.
Irerepresenta ng Foton ang bansa makaraang manalo ito sa 2015 Grand Prix. - Abs-Cbn Sports