BEIJING (AFP) — Pinapayagan nang magkaroon ng dalawang anak ang mga mag-asawa sa China simula nitong Biyernes, matapos mabahala ang bansa sa tumatandang populasyon at lumiliit na workforce na nagtulak sa pagbawi sa kontrobersyal na one-child policy.
Ang pagbabago, inihayag noong Oktubre ng nakaupong Communist Party, ay naging epektibo simula Enero 1, 2016, iniulat ng official Xinhua news agency nitong weekend.