Ni MADEL SABATER-NAMIT

Positibo si Pangulong Aquino na malaki ang maitutulong ng “Daang Matuwid” ng administrasyon upang magsilbing road map para makamit ng Pilipinas ang First World Status bago sumapit ang 2030.

Sa kanyang New Year’s message, hindi niya mapigilan ang sarili na ibandera ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa limang taon ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo.

“I join all Filipinos as we bid farewell to a historic 2015 and expectantly look forward to a peaceful, prosperous 2016. Our country’s soaring economy, robust democracy, and magnified presence on the global stage not only promise a great start to the coming year but also highlight the Philippines’ ongoing narrative of resurgence under the Daang Matuwid,” ayon Aquino. 

National

ITCZ, easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA

“Just a little more than five years ago, we faced a future full of despair and uncertainty; reports of plunder, mismanagement, and corruption dominated our headlines. Today, progress, opportunity, and growth fill news about the Philippines both here and abroad,” aniya.

Dahil sa pagsusulong sa “Daang Matuwid” ng administrasyon, sinabi ng Punong Ehekutibo na posibleng makamit na ng bansa ang First World Status kasabay ng paglobo ng ekonomiya ng bansa sa $1 trillion sa pagsapit ng 2030.

Tiniyak din ni PNoy na sa huling anim na buwan ng kanyang termino ay determinado pa rin ang kanyang administrasyon na ipagpatuloy ang kanilang sinimulang reporma sa pamamahala sa gobyerno.

Umapela rin si Aquino sa publiko na piliin nang tama ang mga susunod na pinuno ng bansa sa 2016 elections upang hindi madiskaril ang mga nasimulan nang pagbabago sa gobyerno.

Samantala, dinedma ng mga opisyal ng Malacañang ang mga pagbatikos na puro kapalpakan ang ipinamalas ng administrasyong Aquino sa nakalipas na limang taon.

“We are hoping that our people will be able to persevere in securing the gains that we have achieved. The President often refers to the importance of a transformation or change in mindset among our people,” pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.