ANKARA (AFP)— Kinansela ng Brussels ang New Year’s Eve celebrations dahil sa takot sa terorismo, habang idinetine ng Turkey police ang dalawang suspek na nagbabalak umatake sa Ankara.
Sinabi ng Belgian authorities na hindi na matutuloy ang firework display at mga kasiyahan para salubungin ang Bagong Taon, umakit ng 100,000 katao noong nakaraang taon, matapos ibunyag na isang jihadist ang nagbabalak na umatake sa kabisera sa panahon ng mga pagdiriwang.
“It’s better not to take any risks,” sabi ni mayor Yvan Mayeur sa Belgian broadcaster na RTBF.
Samantala, sa Turkey, sinabi ng mga opisyal na dalawang Turk na pinaghihinalaang kapanalig ng Islamic State ang nagbabalak ng mga suicide bombing sa kabiserang Ankara, na napupuno ng mga nagsasaya sa gabi ng Disyembre 31.