Nais kong batiin ang mga kalalakihan at kababaihan sa bawat organisasyon, institusyon at ahensya na aking napaglingkuran sa nakalipas at kasalukuyan.

Ang organisasyon at institusyon katulad ng National Press Club (NPC), Manila Overseas Press Club (MOPC), the Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), Philippine Press Institute (PPI), Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, Inc. (FPPC), Catholic Mass Media Awards Foundation (CMMA), Philippine Graphic, the publications of the Manila Bulletin Publishing Corporation, the Aklan Press Club (APC), including the College Editors Guild of the Philippines (CEGP).

Hiling ko na manatiling matatag ang mga grupong ito bilang tagapagsulong ng press freedom. Sana ay mas mapagtibay pa ang kanilang gampanin sa promosyon ng demokrasya at hustisya.

Bukod sa aking mga kasamahan sa media, nais ko ring batiin ang mga kalalakihan at kababihan, aking mga kasamahan sa gobyerno tulad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), National Development Company (NDC), National Book Development Board (NBDB), UNESCO, APO-NEDA Printing, at ang Municipal Government of Kalibo. Sa inyong lahat, dalangin ko ang patuloy na tapat na paglilingkod sa ating bansa at kababayan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa aking mga katrabaho sa Philippine Red Cross, kung saan ako ay nagsilbing gobernador sa mahigit isang dekada.

Kamakailan lamang, ako ay naging board member ng Boracay-Malay chapter. Hiling ko na manatiling maayos at maganda ang serbisyo at tulungan an gating mga kababayan na mabigyan ng pag-asa.

****

Subukan ang ganda ng Kalibo. Ang Kalibo sa Aklan ay naghahanda para sa pagdiriwang ng Ati-Atihan 2016. Ang kanilang paghahanda ay hindi mapapantayan upang mabigyan ng kakaibang karanasan ang daan-libong turista at bisita mula sa ibat’ ibang parte ng mundo.

Ang Kalibo Ati-Atihan, kinilala bilang Mother of all Philippine Festivals, ay isinasagawa tuwing ikalawang linggo hanggang ikatlong Linggo ng Enero. Sinisiguro nina Aklan Gov. Joeben Miraflores at Kalibo Mayor William Lachica na ang mga partisipantre, mga deboto, bisita at turista, ay makararanas ng kakaibang karanasan sa kanilang pananatili sa Kalibo, at iba pang lugar sa Aklan, lalo na sa Boracay. (JOHNNY DAYANG)