Ni Nitz Miralles

NILINAW ni Direk Erik Matti na hindi damay ang My Bebe Love at Beauty and the Bestie sa nangyaring iskandalo sa 2015 MMFF.

Tweet ni Direk Erik: “Clarify ko lang sa lahat ng nagbabasa ng mga tweets ko, hindi ito tungkol sa MBL or BATB. Wala kayong kinalaman sa #MMFF2015Scandal. Kung meron man kinalaman ang #MMFF2015Scandal sa MBL at BATB, ito ay kung sakaling sila rin ay naging biktima. Pero di sila pasimuno nito.

Heto pa ang tweets ni Direk Erik: “Nakakalito na ang mga dinadaya sa sinehan. Merong kami, merong BATB at meron ding MBL... Sino kaya ang kalaban natin #MMFF2015Scandal.” at “Parang eleksyon, habang tumatagal ang bilangan, mas maraming magic ang pwede mangyari.”

Relasyon at Hiwalayan

'Nakakaloka!' Gabbi, nag-react matapos idawit ng Kalokalike contestant

Dagdag pang tweets ni Direk Erik: “Mayors ang heads but they don’t run it. People from the movies who don’t do movies and decided to just mooch us run it #MMFF” at “Grace Poe, Mark Meilly, Boots Anson Roa, Toto Villareal, Herbert Bautista of #MMFFExecom. Help. We need to know that you care about what’s right.”

Kaugnay ng isyung ito, ipinagtataka ng iba’t ibang kampo ng fans kung bakit hindi nagre-release ng figure ng box-office gross ang MMFF at puro “in no particular order” ang sinasabi.

Ang box-office gross sa “in no particular order” result at sinabi ng MMFF na Top 4 Films sa Day 5 ng MMFF (December 25-29), My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion at Walang Forever.