Kris copy

MARAMI ang natuwa sa ipinost na picture ni Kris Aquino sa Instagram na nagluluto siya ng breakfast habang nasa bakasyon sila sa Waikiki, Hawaii. As of last yesterday afternoon, may 17,500 likes na ang collage ng picture ng TV host-actress habang nagpapaka-mother kina Josh at Bimby.

Simpleng nanay si Kris habang nakabakasyon sila na isang yaya lang ang kasama at kitang-kita na ginaganahan siyang magluto para sa mga anak.

Ang caption ni Kris sa series of pictures ay, “This is what makes their vacation feel special -- I cook breakfast for Kuya & Bimb every morning. Today it was bacon, sunny side up eggs, and Eggo mini toaster waffles. #Love #Family.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Puro positive ang comments sa picture na ‘yun. Ang pinakagustong comment siguro ni Kris ay ‘yung nagsabing “Nanay na nanay ang dating mo.”

In an earlier post, nabanggit din niyang nag-grocery agad sila ng mga anak pagdating nila sa kanilang vacation place.

(NITZ MIRALLES)