Barbie at Andre copy copy

HINDI mami-miss ng fans nina Barbie Forteza at Andre Paras ang favorite love team nila sa The Half Sisters na magtatapos sa January 15, 2016 dahil may kasunod agad silang show.

May pamagat na That’s My Amboy ang bagong show nina Barbie at Andre na naka-schedule mag-pilot sa Jan. 25 o one week after mag-end ang The Half Sisters. Ibig sabihin nito, kailangan na nilang magsimulang mag-taping para ready na sa scheduled airing.

Nang tingnan namin ang Jan. 25 sa calendar, nakita naming Monday ito tumama. So, Monday to Friday ba ang airing nito at hindi pang-Sunday gaya nang unang nabalita?

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Kung Afternoon Prime pa rin ito, anong oras kaya at anong teleserye ang papalitan, eh, puro naman matataas ang ratings ng afternoon soap ng Kapuso Network. 

Hindi nga ba’t extended pa pareho ang Buena Familia at Destiny Rose? (Nitz Miralles)