Ryan at Paulina copy

ENGAGED na si Ryan Phillippe sa longtime girlfriend niya na si Paulina Slagter. Kinumpirma ng isang source sa US Weekly na inalok ng kasal ng Secrets and Lies actor ang kasintahan noong Pasko. 

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang engagement sa isang masarap na pananghalian sa Seaspice sa Miami noong Linggo, Disyembre 27.

Si Phillippe at ang 24 na taong gulang na law student na si Slagter ay apat na taon nang may relasyon.“She’s awesome,” sabi ni Ryan Phillippe, 41, tungkol kay Slagter sa nang makapanayam ni Howard Stern kamakailan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“When people see her they have these judgments because she could be a model but she’s about to graduate Stanford Law.“Inaasahang ipagdiriwang ng magkasintahan ang Bagong Taon sa Five Star New Year’s Eve bash sa Watson Island sa Miami.

Si Ryan Phillippe ay unang ikinasal kay Reese Witherspoon noong 1999. Umabot ng 2007 ang kanilang pagsasama. Nagkaroon sila ng anak na sina Ava, 16, at Deacon, 12.

Nagkaroon din ng anak ang aktor sa dating nobya na si Alexis Knapp at ito ay si Kai, 4. (US Weekly)